^

Probinsiya

71-anyos lasog sa kotse ng parak

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon
71-anyos lasog sa kotse ng parak
Sinubukan pang isugod sa Medical Mission Group Hospital pero idineklarang patay si Sopronio Lustiano Panizal, ng Brgy. Sta. Lucia habang kritikal sa Doña Josefa Foundation Hospital sa Iriga City ang kasamang si Felix Delloro, 59-anyos, ng nasabing barangay.

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines — Nalasog ang katawan ng isang 71-anyos na lolo habang sugatan ang kasama niyang kamag-anak matapos silang mabangga ng kotse na minamaneho ng isang pulis habang tumatawid sa national highway sa Zone-2, Brgy. San Antonio, Poblacion, Nabua, Camarines Sur kamakalawa ng gabi.

Sinubukan pang isugod sa Medical Mission Group Hospital pero idineklarang patay si Sopronio Lustiano Panizal, ng Brgy. Sta. Lucia habang kritikal sa Doña Josefa Foundation Hospital sa Iriga City ang kasamang si Felix Delloro, 59-anyos, ng nasabing barangay.

Sa ulat, dakong alas-6:30 ng gabi, patawid sa highway ang mga biktima nang mabangga ng rumaragasang kotse (KO-6494) na minamaneho ni PO1 Resh Esplana Rempis, 28, ng Brgy. San Juan, Baao at kasapi ng Naga City Police Office habang sakay ang kapwa mga pulis na sina PO1 Jonard Bufete at PO1 Berth Anthony Alcala.

Sa lakas ng pagkakabangga, kapwa tumilapon at humampas sa kalsada ang mga biktima. Sumuko sa Nabua Police ang suspek na si PO1 Rempis kasama ang mga kasamahang mga pa­rak matapos ang aksidente.

vuukle comment

CRIME SCENE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with