^

Probinsiya

Kelot pa tigok sa lambanog

Christian Ryan Sta. Ana - Pilipino Star Ngayon

SAN JOSE CITY, Nueva Ecija, Philippines — Pinangangambahan na nakarating na sa lalawigang ito ang killer Lambanog matapos na isang lalaki umano ang namatay sa pag-inom nito sa Brgy. Poblacion ng lungsod kahapon ng madaling-araw noong Lunes.

Iniimbestigahan na ng San Jose City Police ang pagkasawi ng biktimang si Jessie Pontino, 32, na natagpuang nakahandusay bandang alas-2 ng madaling-araw noong Disyembre 10.

Narekober sa malapit sa bangkay ng biktima ang isang plastic na bote ng hinihinalang lambanog. Bandang alas-9:00 ng umaga noong Disyembre 9 nang huling makitang buhay ang biktima habang nakikipag-inuman sa mga kumpare at kaibigan ng nasabing alak na wala umanong labeling.

Hindi nagtagal matapos na makainom, nakaramdam na umano ng pagkaantok ang biktima at nakatulog agad habang ang mga kainuman ay isa-isang nagsialisan pauwi sa kanilang mga bahay.

vuukle comment

LAMBANOG SCARE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with