^

Probinsiya

Ex-sundalo nag-amok: 1 patay, 3 sugatan!

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon
Ex-sundalo nag-amok: 1 patay, 3 sugatan!
Sa report kay Chief Insp. Victoriano Yarcia Jr., hepe ng Diffun Police, walang habas na pinagbabaril ni dating Army Master Sgt. Reynaldo Radam ang lamesa ng grupo ni Brgy. Chairman Rolando Pagaduan dakong ala-1:00 ng hapon sanhi upang magsi­gawan at magpulasan ang mga taong kumakain na galing sa li­bing ng namatay nilang ka-barangay.

Sa kasagsagan ng handaan sa libing

TUGUEGARAO CITY, Cagayan  , Philippines  —  Isang obrero ang nasawi habang suga­tan ang tatlo katao kabilang ang isang brgy. chairman makaraang mag-amok at mamaril ang isang lasing na retiradong sundalo sa isang handaan matapos ang libing ng kanilang kanayon sa Brgy. Paredes, Diffun, Quirino noong Linggo.

Sa report kay Chief Insp. Victoriano Yarcia Jr., hepe ng Diffun Police, walang habas na pinagbabaril ni dating Army Master Sgt. Reynaldo Radam ang lamesa ng grupo ni Brgy. Chairman Rolando Pagaduan dakong ala-1:00 ng hapon sanhi upang magsi­gawan at magpulasan ang mga taong kumakain na galing sa li­bing ng namatay nilang ka-barangay.

Dead-on-the-spot si Mateo Tadeo habang sugatan sina Pagaduan, Arnold Madia at Eduardo Elias.

Nabatid na naglasing dahil sa labis na dinamdam ng da­ting sundalo ang kawalan ng aksyon ng opisyal sa nangyayaring nakawan sa kanyang fishpond bago ang panana­lakay.

Inaresto ng mga nag­res­­pondeng pulis ang suspek at kinumpiska ang cal. 45 nito matapos ang insidente. 

vuukle comment

CRIME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with