^

Probinsiya

Lider ng rebeldeng NPA todas sa encounter

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Lider ng rebeldeng NPA todas sa encounter
Kinilala ang napatay na si alyas Ka Kilyan, 25 taong gulang, team leader ng Giyang Pampulitika ng Squad 2, Sandatahang Yunit Pang­propaganda (SYP) Platun ng NPA na sangkot sa pagre-recruit ng mga kabataang Lumad o mga katutubo.

MANILA, Philippines — Dumanas ng dagok ang mga teroristang New People’s Army (NPA) matapos na mapaslang ang isa nilang lider sa pakikipagsagupa sa tropa ng militar sa bulubunduking bahagi ng KM 27, Brgy. Mahayahay, San Luis, Agusan del Sur kamakalawa ng umaga.

 Kinilala ang napatay na si alyas Ka Kilyan, 25 taong gulang, team leader ng Giyang Pampulitika ng Squad 2, Sandatahang Yunit Pang­propaganda (SYP) Platun ng NPA na sangkot sa pagre-recruit ng mga kabataang Lumad o mga katutubo.

 Ayon kay Captain Aldim Viernes, civil military operations (CMO) officer ng 26th Infantry Battalion (IB) ng Phl Army, dakong alas-7 ng umaga habang nagsasagawa ng combat operation ang mga tauhan ng 26th IB nang masabat at maka-engkuwentro ang mga rebelde na miyembro ng Guerilla Front (GF) 88 ng North Central Mindanao Regional Command na pinamumunuan ni Gerondio Domino alyas Ka Trunks. Tumagal ng 30 minuto ang sagupaan na ikinasawi ng isang rebelde na inabandona ng kanyang mga kasamahan.

“Nakatanggap kami ng mga impormasyon na may mga presensya ng teroris­tang NPA sa kanilang lugar, kaya nagsagawa kami agad ng combat operation sa area para maprotektahan ang komunidad at mga tao roon laban sa pang-aabuso at pananakot ng mga teroristang ito,” ayon kay Lt. Col. Romeo Jimenea, battalion commander ng 26th-IB.

Narekober  sa encounter site ang dalawang M16 rifle, mga bala ng AK47 rifle, isang cal. 22 revolver, isang hand grenade, 35 blasting cap, tatlong cellphones, dalawang radio, medical paraphernalia, mga pagkain, mga personal na kagamitan at subersibong dokumento at 25 makeshift tent na tulugan ng mga rebelde.

vuukle comment

NEW PEOPLE’S ARMY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with