^

Probinsiya

Bagitong pulis inaresto sa pamamaril

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Bagsak kalaboso ang isang bagitong pulis matapos na masangkot sa pamamaril ng isang sibilyan na kanyang nakaaway sa Brgy. Muzon, San Jose del Monte City, Bulacan kamakalawa ng gabi. Kinilala ni Bulacan Provincial Police Office (PPO) Director P/Sr. Supt. Chito Bersaluna ang nasakoteng suspek na si PO1 Mark Louie Castillejo, 26 anyos, nakatalaga sa Bulacan 2nd Provincial Mobile Force Company (PMFC), ng Sunlight Street, Brgy. Muzon ng lungsod na ito na nahaharap sa kasong kriminal at administratibo

 Bandang alas-10:30 ng gabi nang masakote si Castillejo matapos na ireklamo ng pamilya ng biktimang si Jack Acha, 27 anyos, binata, obrero, residente rin sa lugar. Lumilitaw sa imbestigasyon na nakabanggaan ni Castillejo ang nasabing sibilyan na binaril nito. Nakumpiska mula kay Castillejo ang isang cal. 9mm na may isang magazine  at kargado ng 16 bala, isang PNP-ID at limang cartridge ng nasabing armas.

vuukle comment

SHOOTING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with