^

Probinsiya

Trak nawalan ng preno: Pahinante dedo, 2 sugatan

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon
Trak nawalan ng preno:  Pahinante dedo, 2 sugatan
Kinilala ng pulisya ang namatay na si Jose Allan Sapiter ng Bocaue, Bulacan habang ginagamot sa Dona Martha Hospital dahil sa mga sugat sa iba’t ibang parte ng katawan sina Jason Miranda at driver na si Crispin Bautista, 51.

ATIMONAN, Quezon , Philippines  —  Basag ang bungo at namatay noon din ang isang pahinante habang malubhang nasugatan ang kapwa niya pahinante at ang driver ng kanilang sinasakyang trak ng tumalon ang mga ito dahil sa pagkawala ng preno sa Barangay Malinao Ilaya, kamakalawa ng umaga.

Kinilala ng pulisya ang namatay na si Jose Allan Sapiter ng Bocaue, Bulacan habang ginagamot sa Dona Martha Hospital dahil sa mga sugat sa iba’t ibang parte ng katawan sina Jason Miranda at driver na si Crispin Bautista, 51.

Ayon sa imbestigasyon, bandang alas 9:30 ng umaga habang minamaneho ni Bautista ang trailer truck (ANA-8424) patungong Gumaca,Quezon nang mawalan ito ng preno at dahil sa takot na dumiretso sila sa bangin ay sabay-sabay silang tumalon at bumagsak sa kalye. Bumangga naman ang trak nila sa kanang bahagi ng kasalubong na isa ring trailer truck na minamaneho ni Efren Belarmino, 42 ng Angat, Bulacan.

vuukle comment

ACCIDENT

CRIME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with