^

Probinsiya

Wanted nang-hostage todas sa mga parak

Rhoderick Beñez - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Patay ang isang wanted person nang mang-hostage ng isang babae at manlaban sa mga awtoridad habang isinisilbi ang warrant of arrest sa kasong theft laban sa kanya sa Purok 1-A Brgy. 23-C, Quezon Boulevard, Davao City kamakalawa.

Kinilala ng Sta. Ana Police Station ang napatay na na si Jeff Ross Villaroya Guday, 35-anyos na residente ng nasabing barangay.

Sa imbestigasyon, alas-8:30 ng gabi nitong Sabado nang magpakilala ang mga pulis na nagsilbi ng warrant laban kay Guday pero nanlaban umano ang huli dahilan para unahan nang paputukan ng mga pulis.

Nakatakbo pa umano ang suspek at kanyang hinostage ang isang Amira Pamlian dahilan para barilin ng mga operatiba ang suspek para maisalba ang biktima. Sinubukan pang isugod sa ospital ang biktima pero idineklara siyang dead-on-arrival ng mga doktor.

Sa tala, ang suspek ay nahaharap sa iba’t-ibang kaso na may kaugnayan sa illegal na droga, pagnanakaw, salisi, hold-up, akyat-bahay sa Tugbok at Toril.

vuukle comment

HOSTAGE

WARRANT OF ARREST

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with