Kapwa patay matapos na umano’y manlaban sa mga pulis ang mga suspek na kinila­lang sina John Paulo Delos Reyes alyas “PokPok”, nasa hustong gulang, residente ng Brgy. Bacao 2, Gen Trias City; John Alex Quijano at Christopher Vermudez kapwa nasa hustong gulang at residente ng Brgy. 28 Cavite City.
Cavite encounter: 3 ‘tulak’ patay!
Cristina Go-Timbang (Pilipino Star Ngayon) - December 8, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Tatlong pinaniniwalaang tulak ng droga ang napatay sa magkahiwalay na engkuwentro matapos ang isinagawang buy-bust operations kamakalawa sa Gen. Trias at Cavite City. 

 Kapwa patay matapos na umano’y manlaban sa mga pulis ang mga suspek na kinila­lang sina John Paulo Delos Reyes alyas “PokPok”, nasa hustong gulang, residente ng Brgy. Bacao 2, Gen Trias City; John Alex Quijano at Christopher Vermudez kapwa nasa hustong gulang at residente ng Brgy. 28 Cavite City. 

Sa nakalap ng pulis­ya, dakong alas-2:30 ng madaling-araw habang isinasagawa ng mga ope­­ratiba ng Gen. Trias Police ang buy-bust ope­ration laban kay delos Reyes nang umano’y makatunog na pulis ang kanyang katransaksyon sanhi upang paputukan ang mga pulis na naging dahilan ng shootout at ikinabulagta nito.

Samantala, hindi pa man natatapos ang transaksyon ng posuer buyer ng Cavite City Police nang kapwa makatunog ang mga hinihinalang drug pushers na sina Quijano at Vermudez kung kaya sila nanlaban at naki­pagpalitan ng putok sa kapulisan na naging dahilan ng kanilang kamatayan. 

Narekober sa mga napatay na suspek ang mga baril na ginamit at di pa mabilang na timbang ng shabu.    

BUY-BUST OPERATIONS ILLEGAL DRUGS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with