Bagitong parak todas sa tandem
Rhoderick Beñez (Pilipino Star Ngayon) - December 8, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Patay ang isang ba­­gitong pulis habang nagsu-surveillance nang pabulagtain ng riding-in-tandem assassins sa Purok Abrenica, Brgy. General Paulino Santos, Koronadal City, South Cotabato kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni Police Supt. Benjiel Kirby Bajo ng Koronadal City Police ang biktima na si PO1 Diamond Muega, 34, ng Morales Avenue, Brgy. General Paulino Santos ng nasabing lungsod.

Naganap ang pamamaril alas-10:00 ng gabi kung saan inatasan umano ang biktima ng kanyang hepe na imonitor ang mga wanted person sa nasabing lugar. Pinagbabaril ng mga suspek na nakasakay sa motorsiklo sa iba’t-ibang bahagi ng katawan si Muega na naging sanhi ng kamatayan nito.

Inihayag ng otoridad na may iba pa silang tinutukan na anggulo maliban sa trabaho na maaaring motibo sa pagpatay sa biktima.

Si Muega ay dating nakadestino sa intelligence unit at motorcop ng Koronadal City Police bago siya nalipat sa warrant section ng himpilan.

CRIME
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with