^

Probinsiya

‘Drug peddler’ utas sa buy-bust

Gary Bernardo - Pilipino Star Ngayon

CAMP JULIAN OLIVAS, Pampanga , Philippines  —  Patay ang isang “drug peddler” matapos manlaban sa mga ope­ratiba ng Tarlac City Police sa isinagawang buy-bust operation sa Brgy. Binauganan, ng nasabing lungsod noong Huwebes ng gabi. Sa ulat sa tanggapan ni Police Regional Director, Chief Supt. Joel Napoleon Coronel, kinilala ang napatay na suspek na nasa drug watchlist na si Enrique Briones alias Toink 35, binata, ng Brgy. San Carangian. Dakong alas-9:10 ng gabi nang isagawa ang buy-bust operation laban kay Briones at isang pulis ang nagpanggap na poseur buyer ang umiskor sa kanya ng shabu.

Nang magkaabutan ng droga at marked money, nakahalata umano ang suspek hanggang sa paputukan ang pulis subalit sumablay ito sanhi ng shootout hanggang sa mabaril ang suspek na naging dahilan ng kanyang agarang kamatayan. Nasamsam sa lugar ang isang plastic heat sealed sachet ng shabu, isang cal. 38 baril at P1,000 marked money.

DRUG PEDDLER

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
no session for state
no session for code
no session for id_token
no session for user