Binata kinatay, itinapon sa bundok ng kaibigan
Jorge Hallare (Pilipino Star Ngayon) - December 6, 2018 - 12:00am

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines — Karumal-dumal na kamatayan ang sinapit ng isang 26-anyos na binata matapos na pagtatagain ng kanyang kaibigan makaraang magalit sa kanya dahil sa pag-awat sa away ng suspek at ng isa pa nilang kainuman sa Brgy. Del Rosario, Oas, ng lalawigan kamakalawa.

Tadtad ng taga sa iba’t ibang bahagi ng katawan nang matagpuan ng kanyang mga kaanak at mga pulis sa bundok ang biktimang si Marvin Nudo Rebagoda habang tinutugis ng pulisya ang suspek na si Joven Buid Cortez, 36, na tumakas kasama ang buong pamilya patu­ngong Metro Manila.

Sa ulat, dakong alas-9 ng umaga, nagkaroon ng inuman sina Rebagoda at Cortez at iba pa nilang kaibigan malapit sa bahay ng suspek. Nang malasing ay biglang nagtalo si Cortez at isa nilang kainuman kaya umeksena at umawat si Rebagoda. Dahil sa gulo, agad na nagsiuwian ang kanilang mga kainumang kaibigan at naiwan ang biktima. Gayunman, dahil sa galit ay napagbalingan ng suspek ang umawat na biktima kaya pinagtataga niya ito. Nang mapatay, binuhat pa nito ang bangkay ng biktima at itinapon sa bundok na may layong isang kilometro para itago ang krimen pero ilang kabarangay nito ang nakakita.

STABBED TO DEATH
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with