^

Probinsiya

Mayor, vice mayor at 13 pa arestado!

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Mayor, vice mayor at 13 pa arestado!

Sa paglabag sa gun ban, pananakot

MANILA, Philippines — Labing-apat na katao kabilang ang isang alkalde ang inaresto ng mga awtoridad kaugnay ng paglabag sa Omnibus Election Code sa operasyon sa Brgy. Poblacion, Tampilisan, Zamboanga del Norte nitong Huwebes ng gabi.

Kinilala ang mga ito na sina Tampilisan Mayor Angeles  Carloto II, 57-anyos; Tampilisan Vice Mayor Generico Jauculan, 48; Victory Gegrimosa, 41, emple­yado ng munisipyo ng Tampilisan; mga supporters na sina Sally Rejas, 42; Federico Rapal, 59; Bernandita Gulagula, 64, brgy. kagawad ng Brgy Camul Tampilisan; Pablo  Buenavides Jr. 38; Brgy. Chairman Marlon  Andus, 36, ng Brgy. Malila Tampilisan; Marlou Buenafe, 47, brgy councilor ng Brgy Camul Tampilisan; Richard  Halopay, 28; mga pulis na sina PO3 Carim Magallion, 34; PO2 Eliaquim Taman, 33; PO1 Katherine Benedicto, 36; pawang kasapi  ng Tampilisan Municipal Police Station (MPS) at PO1 Jasser Rada Fabillar, 30, nakatalaga sa Leon Postigo Municipal Police Station.

Sa ulat ni Police Regional Office (PRO) 9 Director Chief Supt. Emmanuel Licup, sina Mayor  Carloto at mga kasamahan nito ay inaresto ng Zamboanga del Norte Provincial Mobile Force Company, Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) 9 at Tampilisan MPS sa municipal building ng nasabing bayan dakong alas-8 ng gabi sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Oscar Tomarong ng Branch 28, 9th Regional Trial Court, Zamboanga del Norte na inisyu noong Nob. 29, 2018.

Ang mga nabanggit ay kinasuhan dahil sa paglabag sa Omnibus Election Code kaugnay ng pagtakbo nila sa midterm polls sa Mayo.

Nabatid na inakusahan ng kanyang mahigpit na kalaban sa pulitika ang kampo ng alkalde ng paglabag sa gun ban at umano’y pana­nakot sa kanila at mga tagasuporta. 

Naglaan ang korte ng tig P75,000.00 piyansa sa bawat isang naaresto.

Isinailalim sa kustodya ng Tampilisan MPS ang mga nasakote para sa kaukulang disposisyon.

ARRESTED

OMNIBUS ELECTION CODE

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with