Motorsiklo salpok sa jeep: Rider durog, angkas grabe
Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - November 25, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Patay ang isang rider habang malubhang nasugatan ang backrider nito makaraang bumangga ang kanilang sinasakyang motorsiklo sa isang jeepney at magulungan pa ang una ng isa pang paparating na jitney sa kahabaan ng Maharlika Highway, Calamba City, Laguna nitong Biyernes ng gabi. Agad na nasawi sa lugar ang biktima na si Mark Jhon Gilbuena, driver ng Honda TMX motorcycle, dahil sa tinamong mga sugat sa iba’t-ibang bahagi ng katawan. Samantala, isinugod sa Dr. Jose Rizal District Hospital ang sugatang backrider nito na si Jessa Mae Arillas, 18. Sa ulat ng Laguna Police, habang bumabagtas sa naturang lugar ang motorsiklo ni Gilbuena nang bumangga ito sa Isuzu jitney (DWY 617) na minamaneho ni Ballera na biglang huminto sa lugar na nagbunsod sa insidente. Sa lakas ng bangga, tumilapon si Gilbuena na minalas pang magulungan ng paparating na Mitsubishi Fuso jitney (DVC 364 ) na minamaneho naman ni Juanito Fanoga Jr.

MOTORSIKLO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with