^
Kumander,  2 pa patay  sa encounter

Kumander, 2 pa patay sa encounter

Rhoderick Beñez (Pilipino Star Ngayon) - November 22, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Tatlo katao ang naiulat na nasawi kabilang ang isa na pinaniniwalaang kumander ng Bangsamoro Islamic Armed Forces(BIAF) ng MILF sa naganap na anti-drug operation sa Purok Mangga, Barangay Villamor, Ezperanza, Sultan Kudarat kahapon ng madaling-araw.

Kinilala ang napatay na  umano’y kumander na si Salipuri Sampulna alyas ‘Kumander Puri” at kasama nito na sina alyas “Morex” at “Marcus” na kumasa sa pagsisilbi ng search warrant dakong alas-4:45 ng mada­ling araw.

Sa ulat na nakarating sa PRO-12, nagsagawa sila ng operasyon laban sa mga target dahil sa kasong may kinalaman sa illegal na droga at armas.

Ayon sa mga otoridad, may hawak umanong granada si Sampulna at tinangkang tanggalan ito ng safety pin dahilan upang sila ay paputukan ng mga pulis.

Narekober sa lugar ang ilang basyo ng bala, dalawang granada, mga bala at 9 sachet ng pinaniniwalaang shabu.

Beneberipika pa sa nga­yon ng pamunuan ng MILF kung miyembro talaga ng kanilang grupo ang mga namatay.

BANGSAMORO ISLAMIC ARMED FORCES CRIME
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with