^

Probinsiya

Doktor patay sa ambush!

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Doktor patay sa ambush!
Kinilala ni Guihul­ngan City Police Director P/Supt. Mario Baquiran ang biktima na si Adelex Amor, binata, nakatalaga sa Canlaon District Hospital sa Canlaon City at residente ng Dumaguete City na idineklarang dead-on-arrival sa Guihulngan District Hospital dahil sa rami ng tinamong bala ng kalibre .45 pistol sa katawan.

MANILA, Philippines — Patay ang isang doktor makaraang tambangan at pagbabarilin ng  tatlong hindi pa nakilalang salarin sa national highway, Sitio Tinangon, Brgy. Basak, Guihulngan City, Negros Oriental nitong Martes ng umaga.

Kinilala ni Guihul­ngan City Police Director P/Supt. Mario Baquiran ang biktima na si Adelex Amor, binata, nakatalaga sa Canlaon District Hospital sa Canlaon City at residente ng Dumaguete City na idineklarang dead-on-arrival sa Guihulngan District Hospital dahil sa rami ng tinamong bala ng kalibre .45 pistol sa katawan.

Bandang alas-8:20 ng umaga nang bigla na lamang sumulpot sa lugar ang tatlong mga armadong suspek na katamtaman ang pangangatawan na pawang may taas na 5’6 talampakan. Lumalabas na mabagal ang pagpapatakbo ng biktima  kasama si Rosy Aldojesa lulan ng Toyota Vios (AZX-907) at bigla nitong inihinto sa may ginagawang kalsada. Nang bumaba siya sa sasakyan para umihi ay biglang sumulpot sa lugar ang tatlong suspek na magkakaangkas ng motorsiklo at nilapitan ang una saka pinagbabaril.

vuukle comment

KILLED IN AMBUSH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with