^

Probinsiya

Premyo sa beauty pageant tinangay, founder timbog!

Cristina Go-Timbang - Pilipino Star Ngayon
Premyo sa beauty pageant tinangay, founder timbog!
Mismong ang anim na kan­didatang mga nanalo sa isinagawang pageant ang nagdala sa suspek sa istas­yon ng pulisya.

CAVITE  , Philippines  —  Arestado ang mismong founder ng isang bisexual beauty pageant matapos umano nitong itak­bo ang cash prize para sa mga nanalong candidates kahapon sa Bacoor City. 

Mismong ang anim na kan­didatang mga nanalo sa isinagawang pageant ang nagdala sa suspek sa istas­yon ng pulisya.

Kinilala ang inirekla­mo na si Adrian Songco alias Duke Adrian Kim Songco Feliciano, 24-an­yos, founder ng Cavite Bise­xuals at residente ng #189 Ledosaren St. Brgy. Bucal, Silang, Cavite. 

Sa pahayag ng mga biktima sa pulisya na  sina Gretess Cunanan alyas Marian Ri­vera, 23, beautician; Jerome Mantilla alyas JM Ybanez, 31 anyos, sales executive;  Wency Villanueva alyas Beauty Gonzales, 23, college student; Marlon Beambeam alyas Beam, 21 anyos, financial specialist; Bon Sydney Cabigao alyas Bon, 21, call center agent, at Jarrel Ramiterre alyas Jarellac, 21 anyos, self employed,  nitong Nobyembre 17 ng alas-9:00 ng gabi nang isagawa ang pageant sa Bacoor Strike Gymnasium sa Brgy. Bayanan, ng lungsod kung saan ang suspek ang mismong organizer at founder. 

Nang matapos umano ang pageant na may temang “Mr. and Ms. Cavite Bisexuals-HIV Ambassadors 2018” kung saan itinanghal na mga nanalo ang anim na biktima at sinabing makatatanggap sila ng cash prize na kabuuang P90,000 subalit wala umanong naibigay ang suspek at pinaghintay sila hanggang sa bigla na lamang siyang maglaho sa lugar. 

Kahit na mga walang tulog, sama-samang hinanap ng mga pageant winners ang suspek at nakorner nila ito ganap na alas-3:00 ng madaling araw subalit wala nang maibigay na premyo ang suspek. Dito na nagpasya ang mga biktima na bitbitin sa pulisya ang suspek.  

Tikom ang bibig ng sus­pek at wala umano talaga siyang maibibigay na prem­yong ipinangako sa mga kan­didato kung kaya sinampahan na siya ng mga biktima ng kasong estafa at tuluyang ikinulong.

vuukle comment

ARRESTED

BISEXUAL BEAUTY PAGEANT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with