^

Probinsiya

7 pulis sa medical mission inambus ng NPA!

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon
7 pulis sa medical mission inambus ng NPA!
Agad isinugod sa Mother Seton Hospital sa Naga City ang mga sugatang pulis na sina PO3 Rolando Hermogeno, PO1 Vladimir Guadalupe, PO1 Roy Carbonell, PO1 Elisio Jomar Palaroan, PO1 Daisy Bhel Genova, PO1 Mikkail Jose Concina at PO1 Emerson Ayen, mga kasapi ng 1st Police Provincial Mobile Company ng Camarines Sur Police Provincial Office.

LEGAZPI CITY, Albay  , Philippines  —  Nasa pitong mga pulis ang malubhang nasugatan matapos tambangan ng mga rebeldeng New People’s Army habang papauwi makaraang magsagawa ng medical at dental mission kasama ang mga doktor at nurse sa kahabaan ng municipal road ng Sitio Patag, Brgy. Mambulo Nuevo sa Libmanan, Camarines Sur noong Sabado ng hapon.

Agad isinugod sa Mother Seton Hospital sa Naga City ang mga sugatang pulis na sina PO3 Rolando Hermogeno, PO1 Vladimir Guadalupe, PO1 Roy Carbonell, PO1 Elisio Jomar Palaroan, PO1 Daisy Bhel Genova, PO1 Mikkail Jose Concina at PO1 Emerson Ayen, mga kasapi ng 1st Police Provincial Mobile Company ng Camarines Sur Police Provincial Office.

Wala namang nasaktan sa mga kasamahang doktor at nurse mula sa Bicol Medical Center ng Naga City.

Sa ulat, dakong alas-4:30 ng hapon pauwi na ang mga biktima mula sa Brgy. Bagamelon, sakay ng kanilang Kia patrol vehicle, kasunod ang mga sasakyan ng tropa ng 9th Infantry Division ng Philippine Army at mga manggagamot ng Bicol Medical Center mula sa isinagawang joint medical at dental mission nang biglang pasabugan ng bomba ng pinaniniwalaang mga rebelde.

Kasunod nang pagsabog, walang puknat silang pinaulanan ng mga punglo ng mga rebelde. Kahit sugatan, nakipagsabayan pa ng putok ang mga pulis at mga sundalo hanggang sa umatras ang mga rebelde patungo sa bulubunduking lugar.    

vuukle comment

NEW PEOPLE’S ARMY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with