^

Probinsiya

Indian trader binaril sa ulo

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon
Indian trader binaril sa ulo

LEGAZPI CITY, Albay  , Philippines  —  Bulagta ang isang 27-anyos na negosyanteng Indian national matapos malapitang barilin ng hinihinalang kapwa Bumbay na kakumpetensiya sa negosyong pautang sa kahabaan ng Buyuan Road, Brgy. Buyuan ng lungsod kahapon ng tanghali. Napuruhan ng punglo sa ulo at katawan si Jasmail Singh, ng Brgy. Tagas, Daraga. Sa ulat, dakong alas-12:45 ng tanghali, nakita ng mga residente na nagtatalo ang biktima at isa pang Bumbay na nakasuot ng bonnet.

Ilang sandali lang ay biglang bumunot ng baril ang kausap na suspek at binaril sa likurang bahagi ng ulo ang biktima. Padapang bumulagta ang biktima at muli pa siyang pinutukan sa likod ng suspek saka agad tumakas lulan ng motorsiklo patungo sa direksyon ng Brgy. Bonga.

vuukle comment

CRIME

SHOOTING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with