^

Probinsiya

Sulu encounter: 5 sundalo patay!

Joy Cantos, Rhoderick Beñez - Pilipino Star Ngayon
Sulu encounter: 5 sundalo patay!
Hindi muna tinukoy ng militar ang pagkaka­kilanlan ng mga nasawing sundalo na kinabibila­ngan ng isang Private at apat na Corporal dahil kailangan pang impormahan ang kanilang mga pamilya.
Ernie Peñaredondo

23 pa sugatan

MANILA, Philippines — Limang sundalo ang nasawi kabilang ang isang pinugutan ng ulo habang 23 pa ang nasugatan makaraang magkasagupa ang tropa ng pamahalaan at tinata­yang nasa 70 armadong miyembro ng mga bandidong Abu Sayyaf Group (ASG) sa liblib na lugar ng Brgy. Liang sa Patikul, Sulu nitong Biyernes ng hapon.

Hindi muna tinukoy ng militar ang pagkaka­kilanlan ng mga nasawing sundalo na kinabibila­ngan ng isang Private at apat na Corporal dahil kailangan pang impormahan ang kanilang mga pamilya.

Ayon kay Lt. Col. Gerry Besana, spokesman ng AFP–Western Minda­nao Command, dakong alas-4:10 ng hapon nang maganap ang umaatikabong bakbakan sa nasabing lugar. Kasalukuyang  sinusuyod ng tropa ng 41st Infantry Battalion ng Philippine Army ang magubat na bahagi ng Brgy. Liang nang paulanan ng bala ng mga bandido na nauwi sa matinding sagupaan.

Nabatid na pinamumunuan nina Almujer Yadah at Hajan Sawadjaan ang nasabing teroristang grupo na notoryus sa mga serye ng kidnapping-for-ransom, extortion at pambobomba.

Nagresponde ang 2nd Scout Ranger Batta­lion (SRB) kung saan ang bakbakan ay tumagal ng isang oras at kalahati.

Ang mga bandido ay mabilis na nagsitakas bit­bit ang mga sugatan nilang kasamahan at posibleng may mga nasawi rin sa kanilang panig.

vuukle comment

AFP VS ABU SAYYAF

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with