^

Probinsiya

Rapist ng 3-anyos, utas sa parak

Christian Ryan Sta. Ana - Pilipino Star Ngayon
Rapist ng 3-anyos, utas sa parak
Kinilala ni P/Supt. Ponciano Zafra, hepe ng pulisya rito ang napatay na si Ariel Viquierra, tricycle driver, may-asawa ng Purok 1, Chanco St., Brgy. Sanbermicristi sa nasabing lungsod na idineklarang dead-on-arrival sa Dr. Paulino J. Garcia Memorial Hospital.
File Photo

CABANATUAN CITY, Nueva Ecija, Philippines — Patay ang 37-anyos na mister na gumahasa sa isang 3-anyos na babae makaraang barilin ng mga awtoridad nang mang-agaw umano ng baril ang suspek at paputukan ang isang pulis sa loob ng presinto sa lungsod na ito noong Biyernes ng hapon.

Kinilala ni P/Supt. Ponciano Zafra, hepe ng pulisya rito ang napatay na si Ariel Viquierra, tricycle driver, may-asawa ng Purok 1, Chanco St., Brgy. Sanbermicristi sa nasabing lungsod na idineklarang dead-on-arrival sa Dr. Paulino J. Garcia Memorial Hospital.

Si Viquierra ang sinasabing gumahasa sa 3-anyos na nene noong Nobyembre 13, 2018, bandang ala-1 ng hapon, matapos umanong maka­tulog dahil sa kalasingan ang ama ng bata na kainuman naman ng suspek na si Viquierra.

Base sa nakuhang CCTV footage, si Viquier­ra ay makikitang buhat-buhat ang 3-anyos na batang babae at pumasok sa kanyang bahay. Nagsumbong naman ang bata sa ina dahil sa nararamdamang sakit sa kaselanan at si­nabing may ginawa umano sa kanya si Viquierra.  Dahil dito, agad na sinugod ng ina ng bata ang suspek subalit hindi na inabutan makaraang tumakas. 

Natunton si Viquierra sa Purok 2, Brgy. San Jose, Sta. Ana, Pampanga, bandang alas-9:40 ng gabi noong Nob. 15 sa follow-up operation ng mga tauhan ng 1st PMFC ng Nueva Ecija at Intel operatives ng Cabanatuan City Police. Pero nitong Biyernes, alas-4:40 ng hapon, habang isinasailalim sa inquest proceedings at kinukuhanan ng finger prints ng mga pulis ang suspek, biglang nang-agaw umano ng baril ang huli at nagawang putukan ang isang naka-bullet proof vest na pulis. Dito, napilitan ang iba pang operatiba na barilin na lamang ang suspek na kanyang ikinasawi.

vuukle comment

RAPIST SHOT DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with