^

Probinsiya

‘Killer’ ng mag-asawang negosyante, timbog

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Nasakote ng pulisya ang isa sa dalawang kawatan na sangkot sa pagpatay sa mag-asawang balut trader na ikinasugat pa ng anak nilang paslit noong Huwebes matapos na matunton sa kanyang lungga sa Brgy. Del Pilar, Alicia, Isabela noong Biyernes ng gabi.?

Sinabi ni Isabela Police Director Sr. Supt. Mariano Rodriguez na positibong kinilala ng isa pang anak ng mga biktima na si Arlyn Salvatiera, 17, ang umano’y killer na si Paulino Tabajo, 41, na sangkot din sa iba’t ibang kaso ng hold-up sa nasabing bayan.?Nakilala ng nakababatang Salvatiera si Tabajo sa ipinakitang rouge gallery sa kanya ni Chief Insp. Rey Tad-o na hepe ng Alicia Police. ?

Matatandaan na pi­nag­babaril ni Tabajo at isa pang kasamang suspek sina Arnold Salvatiera, 47, at misis na si Ana­lyn, 44, sa loob ng kanilang multicab bago tinangay ang bag na may P115,000 cash collection mula sa pinagbentahan nila ng balut sa highway ng Brgy. Sto. Domingo. Nasugatan sa paa ng ligaw na bala ang anak nilang si Roland Jay, 8, habang hindi na idi­namay si Arlyn at kasama nitong si Mariano Padre, 24, na lumuhod na nagmakaawa sa mga killers.

vuukle comment

THIEF ARRESTED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with