Top 2 most wanted, nasakote
ANGELES CITY, Philippines — Nasakote ng pulisya ang isang puganteng itinuturing na ikalawa sa listahan ng mga “most wanted persons” sa Angeles City nitong Sabado ng hapon.
Sa ulat na nakarating sa tanggapan ni P/Chief Insp. Fercel Delloria, hepe ng Police Station 5, kinilala ang suspek na si Jose Carreon, 35, ng Purok 6, Aguinaldo Street, Brgy. Sapang Bato, sa lungsod.
Inaresto si Carreon sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Judge Irin Zenaida Buan ng Branch 56 dahil sa mga kasong “robbery with violence and intimidation against person” at carnapping. Nasamsam buhat dito ang dalawang plastic sachet ng hinihinalang shabu. Karagdagang kaso ng paglabag sa R.A. 9165 ang kakaharapin ng suspek.
- Latest