^

Probinsiya

Mag-asawang trader, utas sa robbery-holdup

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon
Mag-asawang trader, utas sa robbery-holdup
Sanhi ng tinamong mga tama ng punglo sa iba’t ibang bahagi ng katawan, kapwa nasawi noon din ang mag-asawang sina Arnold Salvatiera, 47-anyos at misis nitong si Analyn, 44 taong gulang habang sugatan sa tama sa hita ng ligaw na bala ang anak na maagang naulila na si Roland Jay.

8-anyos anak sugatan

MANILA, Philippines — Agad na binawian ng buhay ang isang mag-asawa na balut trader habang nasugatan naman ang 8-anyos nilang anak matapos rapiduhin ng bala ng dalawang ‘di pa natutukoy na riding-in-tandem sa naganap na robbery-holdup sa Brgy. Road ng Sto. Domingo, Alicia, Isabela noong Huwebes ng gabi.

Sanhi ng tinamong mga tama ng punglo sa iba’t ibang bahagi ng katawan, kapwa nasawi noon din ang mag-asawang sina Arnold Salvatiera, 47-anyos at misis nitong si Analyn, 44 taong gulang habang sugatan sa tama sa hita ng ligaw na bala ang anak na maagang naulila na si Roland Jay.

Ayon sa report ng Alicia PNP, pauwi sa San Mateo sakay ng minamaneho ni Arnold na multicab matapos mag-deliver ng panin­dang balut nang tabihan sila ng riding-in-tandem saka walang patumanggang pinagbabaril sila ng kanyang misis sa harap ng sasakyan dakong alas-9:20 ng gabi.

Hindi naman idinamay sa pamamaslang ang nasugatang anak at ang nakatatandang kapatid na si Arlene Salvateria, 17, at ang helper na si Mariano Padre, 24,  subalit tinangay ang bag na naglalaman ng P115,000 cash na mula sa pinagbentahan ng balut.

Walong basyo ng bala ng cal.45 ang narekober ng mga otoridad sa crime scene.

vuukle comment

CRIME

ROBBERY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with