^

Probinsiya

Ex-sekyu na ‘tulak’ nanlaban, todas

Boy Santos - Pilipino Star Ngayon
Ex-sekyu na �tulak� nanlaban, todas
Ilang tama ng punglo na tumapos sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ang tumapos sa buhay ng suspek na si Jerson Sta. Rita, nasa hustong gulang, residente ng Brgy. Barihan sa bayan ng Malolos City at may nakabinbing kasong Murder sa isang sangay ng mababang korte sa RTC Malolos City.

MANILA, Philippines — Bumulagta ang isang dating sekyu na sinasabing kilabot na ‘tulak’ ng droga nang sa halip na sumuko ay nanlaban sa mga otoridad sa isinagawang buy-bust operation sa Brgy. Tabon sa bayan ng Pulilan, Bulacan, Huwebes ng gabi.

Ilang tama ng punglo na tumapos sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ang tumapos sa buhay ng suspek na si Jerson Sta. Rita, nasa hustong gulang, residente ng Brgy. Barihan sa bayan ng Malolos City at may nakabinbing kasong Murder sa isang sangay ng mababang korte sa RTC Malolos City.

Sa ulat ng Pulilan Police, dakong alas-6:00 ng gabi nang isinagawa ang operation laban sa suspek sa isang lugar sa naturang barangay. 

Nang magkapalitan na ng droga at pera ang suspek at poseur buyer na pulis ay dito na tinangkang arestuhin subalit pumalag ito saka binunot ang armas ngunit naunahan siya ng pulis na nagresulta ng kanyang kamatayan.

Narekober sa pinangyarihan ng shootout ang isang kalibre .38 revolver, mga basyo ng bala, sampung pakete ng shabu at isang motorsiklong Suzuki Smash na ginamit ng suspek sa pagbibiyahe ng iligal na droga.

vuukle comment

BUY-BUST OPERATION

CRIME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with