2 gumahasa’t pumatay sa coed sa Cavite arestado
MANILA, Philippines — Bumagsak sa kamay ng batas ang dalawang pangunahing suspek sa panggagahasa at pagpatay sa 20-anyos na college student makaraang masakote sa isang buy-bust operation ng mga otoridad, kamakalawa sa Brgy. Balsahan, Naic, Cavite.
Humihimas na sa rehas na bakal ang dalawang suspek na sina Jonard Panesa alyas ‘Toto’ at Jonathan Otazo, kapwa nasa hustong gulang at mga construction workers na naninirahan sa Hills View Royale Subd., Brgy. Timalan Balsahan.
Ayon sa pulisya, isa si Panesa sa 12 ‘person of interest’ sa Rape with Homicide case na nangyari nitong September 26, 2018 kung saan ang biktima ay si Mitchie Arana, estudyante ng Cavite State University sa Rosario, Cavite campus.
Natagpuan itong walang buhay at walang damit sa isang sapa sa Brgy. Timalan, Balsahan, matapos nitong hindi umuwi ng dalawang araw
Inamin naman ni Panesa na isa siya sa gumahasa at tumulong sa pagpatay sa biktima at itinuro nito ang kasamang si Jonathan na siyang sumakal sa biktima hanggang sa mamatay gamit pa ang shorts ng biktima.
Nabatid na kilala rin sina Panesa at Otazo bilang mga adik at tulak din ng iligal na droga.
- Latest