Karnaper tumba, 7 tiklo sa shootout
MANILA, Philippines — Tumimbuwang ang isang miyembro ng carnapping group habang nasakote naman ang 7 kasamahan nito nang makaengkuwentro ang mga otoridad kamakalawa ng gabi sa Gen. Mariano Alvarez, Cavite.
Inaalam pa ang pagkakakilanlan ng napatay na suspek habang ang pitong naaresto ay kinilalang sina Val Rosal, 28; Johnny Loma, 32; James Talaoc, 19; Baldibino Ferel, 46; at Samuel De Asis, 19, estudyante, pawang residente ng Brgy.Paliparan 3, Dasmariñas City, Cavite; James Abragan Brin, 19; Christian Cabrera Flores,18, kapwa, residente ng Blk. 56, Lot 11, Excess Lot, Brgy. Tirona, GMA habang nakatakas ang isang Mark Perel alyas ‘Mac Mac’.
Ayon kay Police Chief Inspector Romulo Dela Rea, hepe ng GMA MPS, nagkasa sila ng follow-up operation sa mga suspek matapos na tangayin ang motorsiklo ng isang Franklin Marcene, 33, ng Blk 57, Lt 10, Brgy. Dacon, GMA, Cavite ng dalawang suspek na sina Brin, at Flores, habang nakaparada.
Nakilala ang dalawang suspek sa, pamamagitan ng CCTV kaya agad itong naaresto at wala na sa mga ito ang kinarnap na motorsiklo ni Marcene na dinala sa kanilang kasamahan sa Brgy. Paliparan 3 Dasmariñas City, Cavite at ipinagpalit nila ito ng shabu na kung saan dito naaresto ang limang iba pa na nakumpiskahan ng mga baril at shabu.
- Latest