Ayon kay Lt. Col. Noel Paraso, Commander ng Army’s 39th Infantry Battalion (IB), bandang alas-8:00 ng umaga sa Purok 6, ng naturang lugar nang bigla na lamang lumusob ang mga rebelde na nakasuot ng camouflage uniform at nagpakilala pang mga sundalo.
Day care center sinunog ng NPA rebs
Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - November 16, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Sinunog ng nasa 25 armadong miyembro ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) ang isang day care center makaraang umatake sa Brgy. Mahongcog, Magpet, North Cotabato kahapon ng umaga.

Ayon kay Lt. Col. Noel Paraso, Commander ng Army’s 39th Infantry Battalion (IB), bandang alas-8:00 ng umaga sa Purok 6, ng naturang lugar nang bigla na lamang lumusob ang mga rebelde na nakasuot ng camouflage uniform at nagpakilala pang mga sundalo.

Wala namang nagawa ang isang guro sa nasabing day care center matapos na igapos ng mga rebelde ang mga kamay nito na kinaladkad palabas sa klasrum.

Agad ng mga itong binuhusan ng gasolina saka sinilaban ang eskuwelahan sa lugar  hanggang sa magliyab at tuluyang tupukin ng apoy.

Nabatid na nangongotong ang mga rebelde ng P 50,000 kada buwan sa nasabing day care center pero nabigo itong magbigay .

Samantalang matapos maabo ang nasabing day care center ay mabilis na nagsitakas ang mga rebelde patungo sa direksyon ng Brgy. Malibatuan, Arakan, Cotabato.

Nagsasagawa na ngayon ng hot pursuit operations ang tropa ng militar laban sa grupo ng mga rebelde na responsable sa panununog.(Rhoderick Beñez)

NEW PEOPLE’S ARMY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with