^

Probinsiya

Dalaga tinodas, isinilid sa food crates

Boy S. Cruz - Pilipino Star Ngayon
Dalaga tinodas, isinilid sa food crates
Matigas na ang bangkay at tadtad ng mga saksak sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ang biktimang kinilala ng ilang residente sa lugar na si Angel de Guzman, residente ng Brgy.Bayugo sa naturang bayan.
File Photo

MANILA, Philippines — Karumal-dumal ang kamatayang sinapit ng isang 20-anyos na dalaga nang matapos katayin ay pilit na isinilid ang bangkay sa magkasaklob na food crates makaraang matagpuan sa gilid ng isang kalsada sa Brgy. Bayugo sa Meycauayan City, Bulacan, kamakalawa ng umaga.

Matigas na ang bangkay at tadtad ng mga saksak sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ang biktimang kinilala ng ilang residente sa lugar na si Angel de Guzman, residente ng Brgy.Bayugo sa naturang bayan.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-6:00 ng umaga ay kasalukuyang naglalakad ang isang residente sa lugar sa gilid ng kalsada nang mapansin nito ang magkasaklob na food crates na may kakaibang nilalaman at may bahid ng dugo dahilan upang siyasatin ang laman nito.

Nang buksan ay dito na tumambad ang bangkay ng biktima na agad namang ipinagbigay-alam sa pamunuan ng barangay.

Napag-alaman sa imbestigasyon na bago ang pagkakadiskubre ng bangkay ay nakitang nakikipaginuman ang biktima sa ilang kalalakihan sa lugar.

Isa sa mga anggulong sinisilip ng pulisya ay ang pagkakasangkot ng bikitma sa droga dahil dati na umano itong sumuko sa Oplan Katok ng PNP.

vuukle comment

CRIME SCENE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with