^

Probinsiya

Lady cop ni-rape ng police instructor!

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Lady cop ni-rape ng police instructor!
Kinilala ni Supt. Imel­da Tolentino, spokesperson ng Mimaropa Police ang suspek na si PO3 Jernie Ramirez, 29, na nahaharap sa kasong kriminal at administratibo habang ang biktima na may ranggong PO1 ay itinago sa pangalang Bea­triz na kabilang sa mga pulis na sumasailalim sa pagsasanay sa Maritime Trooper Course bago sila isabak sa maritime operations.

Habang nasa maritime training

MANILA, Philippines — Bagsak kalaboso ang isang pulis na assistant instructor sa Maritime Trooper Course makaraang ireklamo ng panggagahasa sa bagitong babaeng parak sa Puerto Princesa City, Palawan.

Kinilala ni Supt. Imel­da Tolentino, spokesperson ng Mimaropa Police ang suspek na si PO3 Jernie Ramirez, 29, na nahaharap sa kasong kriminal at administratibo habang ang biktima na may ranggong PO1 ay itinago sa pangalang Bea­triz na kabilang sa mga pulis na sumasailalim sa pagsasanay sa Maritime Trooper Course bago sila isabak sa maritime operations.

Si Beatriz ay lumuluhang dumulog kamakalawa  bandang alas-5:45 ng hapon sa kanilang Course Director at isinup­long ang panghahalay sa kanya ni PO3 Ramirez.

Sa salaysay ni PO1 Beatriz, nangyari ang in­si­dente sa pagitan ng alas-2:30 hanggang alas-3:00 ng madaling araw noong Nobyembre 12 sa bisinidad ng Joint Maritime Law Enforcement Training Center sa Sitio Magarwak, Brgy. Sta. Lourdes, Puerto Prin­cesa City.

Ayon sa biktima ka­salukuyan siyang naka­talaga ng kaniyang kasamahang trainee bilang duty sentinels nang lapitan ng suspek at hilahin para samahan umano siyang magsagawa ng roving patrol sa palibot ng nasabing training center. Aniya, habang siya ay nagla­lakad, itinulak siya ng suspek sa madilim na bahagi ng comfort room ng mga babae at saka pinaghahalikan sa labi. Tinakot umano siya ng instructor na ibabagsak sa maritime course training at mula rito ay dinala sa isang kuwarto sa ikalawang palapag ng lumang gusali saka ginahasa.

vuukle comment

MARITIME TROOPER COURSE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with