^

Probinsiya

Drug surrenderee itinumba

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

TAYABAS CITY, Philippines — Patay ang isang 25-anyos na dating drug surrenderee makaraang barilin ng dalawang hindi nakikilalang lalaki na pumasok sa bahay nito sa Leveriza Heights Subdivision, Brgy. Isabang, kamakalawa ng tanghali.

Ang biktima na nagtamo ng tama ng bala sa ulo mula sa kalibre .45 baril ay kinilalang si Cer Olliriz Alcala, estudyante, may live-in partner at residente ng nabanggit na lugar. Ayon sa pulisya, bandang alas-11:50 ng tanghali ay mahimbing na natutulog sa ikalawang palapag ng kanyang bahay ang biktima nang pasukin ng mga salarin saka binaril at pagkatapos na isagawa ang krimen ay mabilis na tumakas.

Nabatid na ang biktima ay nahuli noong Nobyembre 22, 2016 sa Woodlane Subdivision sa Sariaya, Quezon dahil sa iligal na droga subalit nakalaya makalipas ang ilang buwan. Patuloy ang imbestigasyon ng mga otoridad sa motibo ng pamamaslang.

vuukle comment

DRUG SURRENDEREE SHOT DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with