^

Probinsiya

Motorsiklo sinuwag ng trak: 3 patay

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Motorsiklo sinuwag ng trak: 3 patay
Inaalam pa ang pagkakakilanlan ng nasawing driver ng Rusi motorcycle at dalawa nitong backriders na pawang dead-on-the spot sa lugar.
File Photo

MANILA, Philippines — Tatlong motorcycle riders na walang suot na helmet ang nasawi makaraang aksidenteng suwagin ng isang truck ang kanilang sinasak­yang motorsiklo at magulu­ngan pa sa Brgy. Bugayong, Binalonan, Pangasinan kamakalawa ng gabi.

Inaalam pa ang pagkakakilanlan ng nasawing driver ng Rusi motorcycle at dalawa nitong backriders na pawang dead-on-the spot sa lugar.

Sa ulat ng Pangasinan Police, bandang alas-11:50 ng gabi habang magkaka­angkas ang mga bikima at binabagtas ang national highway na bahagi ng Alo­ragat Bridge sa naturang lugar nang mabangga sila ng paparating na Isuzu forward reefer van truck (RKR-232) na minamaneho ni Glorioso Tobias, 42-anyos. Masyado umanong mabilis ang takbo ng motorsiklo na sinakop ang kabilang linya sanhi upang masalpok ng truck.

Sa lakas ng salpukan,  tumilapon ang tatlo na na­gulungan pa ng trak at  na­bagok ang kanilang ulo sa matigas na bahagi ng nasabing tulay.

vuukle comment

ROAD ACCIDENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with