^

Probinsiya

Mag-asawa natusta sa sunog

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Mag-asawa natusta sa sunog
Kinilala ang mga nasawi na sina Andres Montero, 67-an­yos at misis nitong si Anita, 65.
Migue De Guzman/File

MANILA, Philippines — Malagim ang sinapit na kamatayan ng isang mag-asawang matanda makaraang makulong ng apoy sa loob ng nasusunog nilang tahanan sa Brgy. Tambac, Dasol, Pangasinan kamakalawa  ng umaga.

Kinilala ang mga nasawi na sina Andres Montero, 67-an­yos at misis nitong si Anita, 65.

Sa repot, dakong alas-4 ng hapon nang tupukin ng apoy ang bahay ng mag-asawa sa Sitio Lye-ew, Brgy. Tambac.  

Ayon kay Brgy. Kagawad Joseph Vidal, pawang halos hindi na makilala sanhi ng grabeng pagkasunog ng katawan ang mga biktima nang marekober ang kanilang katawan.

Sinabi ni Fire Officer 1 Mark Mendoza ng Dasol  Municipal Fire Station, ang sunog ay nagsimula sa natumbang gasera na napabayaan ng mag-asawa. Mabilis na kuma­lat ang apoy dahil may mga pinatuyong dahon dito ng ina­ning palay ng mag-asawa at ang kanilang bahay ay gawa sa mahihinang materyales.

vuukle comment

PANGASINAN FIRE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with