Sa ulat ni P/Sr. Insp. Joseph Ian Java, acting chief of police sa bayang ito, kinilala ang nasawi na si Sofia Brean Mina Hernandez, taga-Fairview, Quezon City habang nilalapatan ng lunas sa Municipal Health Clinic ang mga nasagip na pawang mga bakasyunista at residente ng Quezon City, Cavite, Caloocan, Bulacan at Rizal.
Bangka lumubog: 5-anyos nalunod, 29 nasagip
Tony Sandoval (Pilipino Star Ngayon) - November 12, 2018 - 12:00am

SAN ANDRES, Quezon  , Philippines  —  Namatay sa pagkalunod ang isang 5-anyos na batang babae habang nailigtas ang 29 na iba pa makaraang lumubog ang kanilang sinasakyang motorized banca sa pagitan ng Dapa at Burias Island na sakop ng Barangay Talisay ng bayang ito, kamakalawa ng umaga.

Sa ulat ni P/Sr. Insp. Joseph Ian Java, acting chief of police sa bayang ito, kinilala ang nasawi na si Sofia Brean Mina Hernandez, taga-Fairview, Quezon City habang nilalapatan ng lunas sa Municipal Health Clinic ang mga nasagip na pawang mga bakasyunista at residente ng Quezon City, Cavite, Caloocan, Bulacan  at Rizal.

Lumalabas na umalis sa pantalan dakong alas-8:10 ng umaga ang bangkang Princess Donna upang ihatid ang mga sakay nito patungo sa Animazola Island nang hampasin sila ng malakas na hangin at alon.

Mabilis na lumubog ang bangka na agad ikinalunod ng nasabing nene at dahil sa paghingi ng saklolo ng isang pasahero sa hotline ng munisipyo, agad silang nasagip ng mga operatiba ng San Andres Police, Philippine Coast Guard at Bantay Dagat.

CRIME DROWNED
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with