_ngayon
^

Probinsiya

2 ‘tulak’ tumba sa drug ops

Boy Cruz - Pilipino Star Ngayon
2 âtulakâ tumba sa drug ops
Nagtamo ng ilang tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang mga suspek na sina Marlon Tanola alyas Onse, ng Brgy. Sto. Cristo, San Jose del Monte City at ika-8 sa listahan ng mga drug personalities sa naturang bayan at Levi De Leon, ng Brgy. Poblacion, Pandi.
File Photo

BULACAN, Philippines — Dalawang katao kabilang ang isang nasa listahan ng “most wanted persons” dahil sa pagtutulak ng shabu ang nasawi matapos na umano’y maki­pagbarilan sa mga pulis sa kasagsagan ng drug bust operation sa magkahiwalay na lugar sa San Jose Del Monte City at bayan ng Pandi, Sabado ng madaling araw.

Nagtamo ng ilang tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang mga suspek na sina Marlon Tanola alyas Onse, ng Brgy. Sto. Cristo, San Jose del Monte City at ika-8 sa listahan ng mga drug personalities sa naturang bayan at Levi De Leon, ng Brgy. Poblacion, Pandi.

Sa ulat, dakong alas-2:00 ng madaling araw nang isagawa ang buy-bust operation kay alyas Onse. Nakipag-deal siya sa tauhan ni P/Supt. Orlando Castil Jr. ng San Jose Del Monte City Police at nagkasundo na magkikita sa Skyline Road, Brgy. Sto. Cristo. Habang nagkakapalitan ng droga at marked money, nagpakilala na pulis ang poseur buyer at nang aarestuhin ang suspek ay pumalag umano hanggang sa bumunot ng armas. Gayunman, naunahan na siyang paputukan ng pulis sanhi ng kanyang kamatayan.

Kasunod nito, ikinasa ng Pandi Police ang buy-bust operation laban kay De Leon sa Brgy. Poblacion matapos na makumpirmang patuloy na nagbebenta ng shabu. Matapos ang bentahan ng droga, dito na siya tinangkang arestuhin su­balit nagtatakbo at pinaputukan ang mga tauhan ni P/Sr. Insp. Joel Alba sanhi ng shootout na kanyang ikinabulagta.

Narekober sa da­lawang operasyon ang dalawang .38 revolver na may mga bala ng .357, mga basyo ng bala, 10 pakete ng shabu, tatlong cellphone, mga personal na gamit at dalawang P500 marked money.

DRUG WAR
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with