Isa pang bangkay ang narekober ng mga awtoridad sa pagpapatuloy ng kanilang search and retrieval operations upang mahanap ang 10 pang katao na natabunan ng lupa sa naganap na landslide sa Natonin, Mountain Province kamakailan.
(Kuha ni Victor Martin)
1 pang bangkay narekober sa Natonin, 10 pa missing
Victor Martin (Pilipino Star Ngayon) - November 10, 2018 - 12:00am

NATONIN, Mountain Province  , Philippines  —  Matapos ang 9 na araw na search and retrieval operation ng mga iba’t ibang rescue units ay umabot na sa 10 katao na hinihinalang natabunan ang patuloy na pinaghahanap sa kasalukuyan matapos makarekober ng isa pang bangkay kahapon.

Ayon sa Natonin command post kung saan nakabase ang mga recue personnel, sa loob ng tatlong araw simula nitong Martes ay wala umanong natagpuan sa mga nawawalang mga biktima na pinaniniwalaang tinangay ng malakas na agos ng lupa matapos lamunin ang 5 palapag na DPWH building rito dahil sa pana­nalasa ni bagyong Rosita.

Kahapon lamang natagpuan ng mga rescue team ang isang bangkay na kasalukuyan pang kinikilala ng kanilang kaanak.

Samantala, ipinasakamay na ni Brig. Gen. Leopoldo Imbang Jr., ang pinuno ng 503rd Infantry Brigade ng Philippine Army at lider ng rescue and retrieval operation sa provincial local government ng Mountain Province at  Natonin ang pamamahala sa paghahanap sa mga nawawala.

CRIME LANDSLIDE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with