Sa ulat ni PO3 Oscar Albayasen ng Surallah Police, kinilala ang suspek na si George Judilla nasa legal na edad samantala ang mga biktima ay kinilalang sina alyas Pearl 4 anyos at Angel 10 buwan.
2 batang anak ng pastor, kinatay!
Rhoderick Beñez (Pilipino Star Ngayon) - November 10, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Kalunus-lunos na kamatayan ang sinapit ng isang paslit at kapatid nitong 10-buwang sanggol na mga anak ng isang pastor sa kamay ng isang lalaki na sinasabing kinakasama ng kanilang yaya matapos silang katayin bago nagpakamatay ang suspek sa loob ng kanilang tahanan sa Zone 6, Brgy. Libertad, Surallah, South Cotabato nitong Huwebes.

Sa ulat ni PO3 Oscar Albayasen ng Surallah Police, kinilala ang suspek na si George Judilla nasa legal na edad samantala ang mga biktima ay kinilalang sina alyas Pearl 4 anyos at Angel 10 buwan.

Sa inisyal na imbestigasyon, nagkaroon umano ng pagtatalo ang suspek at ang live-in partner nito na yaya ng magkapatid na bata. Dahil sa pagkaburyong sa away nilang mag-partner, pinagbalingan ng suspek sa galit nito ang mga paslit at walang awang pinagsasaksak gamit ang isang kutsilyo.

Ayon kay Jhoriel John Alvarez, isa sa mga saksi sa krimen, napadaan lamang sila sa bahay ng mga biktima nang makita nilang duguan sa gate ang suspek at sinasaksak ang kanyang dibdib. Hinamon pa umano nito ang rumespondeng pulis na barilin siya sa ulo.

Agad isinugod sa opsital ang dalawang bata pero binawian ng buhay bunsod ng kanilang matitinding saksak sa katawan habang ang suspek ay namatay rin.

Napag-alaman na isang pastor ang ama ng mga bata at guro ang kanilang ina.

CRIME
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with