Ayon kay P/Sr. Insp. Ludovico Rendaje, operations officer ng Polomolok Municipal Police Station, inihayag nito na nangyari ang panggagahasa sa mismong bahay ng magkapatid.
4-anyos ni-rape slay ng 16-anyos utol
Rhoderick Beñez (Pilipino Star Ngayon) - November 10, 2018 - 12:00am

Bangkay isinako, itinapon sa sapa

KIDAPAWAN CITY  , Philippines  —  Nagmistulang hayop sa kamata­yang sinapit ng isang 4-an­yos na nene sa kamay mismo ng kanyang 16-anyos na half brother  matapos siyang gahasain sa murang edad at patayin saka itinapon pa sa sapa sa Purok Malabarbas, Brgy. Poblacion, Polomolok, South Cotabato.

Ayon kay P/Sr. Insp. Ludovico Rendaje, operations officer ng Polomolok Municipal Police Station, inihayag nito na nangyari ang panggagahasa sa mismong bahay ng magkapatid.

Ayon kay Rendaje, natakot ang suspek na malaman ang ginawang panggagahasa kaya tinakpan nito ang ilong at bunganga ng kanyang batang kapatid hanggang sa malagutan nang hininga.

Sinabi Rendaje na sinamahan pa ng suspek ang kanilang ina sa himpilan ng pulisya upang i-report na nawawala ang kapatid pasado alas-8:00 ng gabi noong Miyerkules.

Ala-1:00 na ng madaling araw ng Huwebes nang mag-report ang barangay officials sa pulisya na natagpuan na ang bata na sa isang creek sa naturang lugar na nakasilid sa sako at wala nang buhay.

Samantala, kahapon ay hawak na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang menor-de-edad na suspek. Ito’y matapos siyang  sumuko sa pulisya at inamin nito ang kahalayang ginawa nito sa kanyang kadugo, na kapatid nito sa ina at itinuro kung saan niya ito itinapon.

CRIME RAPE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with