Kinilala ang biktima na si Jaime Bisnar, 47-anyos, na nagtamo ng mga tama ng bala sa iba’t-ibang bahagi ng katawan at patuloy na isinasalba ang buhay nito sa isang pribadong hospital.
‘Hitman’ ni Kerwin niratrat ng tandem
Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - November 10, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Agaw buhay ngayon ang isa sa mga umano’y  hitmen ng self-confessed drug lord ng Eastern Visayas na si Kerwin Espinosa matapos na pagbabarilin ng riding-in-tandem sa Brgy. Benolbo, Albuera, Leyte kamakalawa.

Kinilala ang biktima na si Jaime Bisnar, 47-anyos, na nagtamo  ng mga tama ng bala sa iba’t-ibang bahagi ng katawan at patuloy na isinasalba ang buhay nito sa isang pribadong hospital.

Sa report ng Leyte Police, bandang alas-9  ng umaga habang nag-aabang ng masasakyan ang biktima nang biglang huminto sa tapat nito ang isang motorsiklo na sinasakyan ng mga suspek at agad siyang niratrat ng backrider saka mabilis na nagsitakas.

Nabatid na ang nasabing hitman ay siyang nagmomono­polyo umano sa drug operations ni Kerwin sa Eastern Visayas.

KERWIN ESPINOSA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with