Sa ulat na natanggap ni Provincial Director P/Sr. Supt. Chito Bersaluna, dakong alas-2:00 ng hapon ay inireport sa pulisya ang pang-aabuso ng mga suspek sa biktima.
3 ‘human traffickers’ nalambat
Boy Cruz (Pilipino Star Ngayon) - November 10, 2018 - 12:00am

17-anyos pinaghubad sa internet

BULACAN  , Philippines  —  Tatlong hinihinalang sangkot sa human trafficking ang ina­resto dahil sa reklamo ng isang 17-anyos na dalagita na ginawang kasambahay na isinadlak at puwersahang pinaghuhubad sa harap ng internet sa Brgy. Iba, Hagonoy kamakalawa.

Ang mga suspek na sina Harvy Meniano, 24, binata; John Castro, 34 at kinakasama nitong si Carmelyn Espiritu, 35, pawang residente rin ng naturang lugar ay nahaharap sa kaso matapos na ireklamo ng biktima na itinago sa pangalang Marimar, tubong Davao City.

Sa ulat na natanggap ni Provincial Director P/Sr. Supt. Chito Bersaluna, dakong alas-2:00 ng hapon ay inireport sa pulisya ang pang-aabuso ng mga suspek sa biktima.

Nabatid na tumalon pa ang biktima mula sa mataas na pader upang makatakas sa tatlong suspek. Puwersahan umano siyang pinaghuhubad sa harap ng video sa internet at saka ipakikita at ipapalabas ito sa mga dayuhang kliyente ng “cybersex.”

Nagmula ang bikitima sa Davao at pinangakuan umano siya ng suspek na si Meniano ng pagiging kasambahay nito ngunit nang makarating sa lugar ay dito na siya isinadlak sa cybersex.

Sinalakay ng mga awtoridad ang lugar at sa tulong ng biktima ay natunton ang sinasabi niyang bahay at naaresto ang tatlong suspek.

HUMAN TRAFFICKING
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with