2 âtulakâ todas sa shootout
Nakuha ng mga awtoridad sa dalawa ang mga pakete ng hinihinalaang shabu, P500 marked money, isang hand grenade at isang Yamaha motorcycle.
2 ‘tulak’ todas sa shootout
Rhoderick Beñez (Pilipino Star Ngayon) - November 6, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Patay sa barilan ang dalawang hinihinalang tulak ng droga matapos umanong manlaban sa mga elemento ng City Police Station 4, Police Station 1, City Drug Enforcement Unit, at PDEA-ARMM sa inilun­sad na buy-bust opera­tion kamakalawa ng hapon sa Cotabato City.  

Kinilala ni City Police Station 4 commander, Chief Inspector Tirso Pascual ang mga na­pas­lang na sina Abdul­rauff Dimacisil alias Raffy, 41, ng Barangay Poblacion Dos at Salahudin Embil Mantawil, 35, ng Lugay-Lugay, Barangay Bagua Uno ng lungsod.  

Ayon kay Pascual, pasado alas-3 ng hapon nitong Sabado nang ikasa nila ang buy-bust operation laban kay Dimacisil na nagresulta sa pagkamatay nito at kasamang si Mantawil.  

Nakuha ng mga awtoridad sa dalawa ang mga pakete ng hinihinalaang shabu, P500 marked money, isang hand grenade at isang Yamaha motorcycle.  

Ayon kay Pascual, matagal na nilang minamanmanan ang mga suspek bago ikasa ang operasyon.

CRIME
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with