_ngayon
^

Probinsiya

2 ‘tulak’ todas sa buy-bust

Christian Ryan Sta. Ana - Pilipino Star Ngayon
2 âtulakâ todas sa buy-bust
Bandang alas-4:30 ng madaling-araw habang ini­aabot ng katransaksyong pulis ang P1,000 marked money sa suspek kapalit ng biniling droga nang makahalata umano ang huli.

GAPAN CITY, Nueva Ecija  , Philippines  —  Napatay ang dalawang hinihinalang tulak ng droga sa isang buy-bust operation ng magkasanib na puwersa ng Gapan City Police at mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency-Regional Office 3 (PDEA-RO3) kahapon ng madaling-araw sa Barangay Malimba, ng lungsod na ito. Sa report ni P/Supt. Peter B. Madria, hepe ng Gapan City Police sa bagong talagang provincial director ng Nueva Ecija Police Provincial Office (NEPPO) na si P/Senior Supt. Leon Victor Rosete, nakilala ang dalawang nasawing suspek na sina Aljon Ramos, ng San Miguel, Bulacan, at isang nakilala lamang sa bansag na “AC.”

Bandang alas-4:30 ng madaling-araw habang ini­aabot ng katransaksyong pulis ang P1,000 marked money sa suspek kapalit ng biniling droga nang makahalata umano ang huli. Dahil dito, agad umanong bumunot ng baril ang suspek at pinaputukan ang mga pulis sanhi ng barilin na nagresulta sa pagkamatay ng dalawa.

CRIME
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with