^
2 tumba, 9 arestado sa buy-bust
Kinilala ng Bulacan Police ang mga nasawing suspek na sina Ian Apuyo, 34, binata, residente ng Brgy. Pagala, Baliwag habang patuloy na inaalam ang tunay na pangalan ng isa pang suspek na may alyas na ‘Boyong’ ng bayan ng San Rafael.
File Photo

2 tumba, 9 arestado sa buy-bust

Boy S. Cruz (Pilipino Star Ngayon) - October 26, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Patay ang dalawang sinasabing kilabot na ‘tulak’ ng shabu habang siyam pang katao ang naaresto sa isinagawang sunud-sunod na operasyon ng pulisya sa iba’t ibang bayan sa lalawigan ng Bulacan, Miyerkules ng gabi at Huwebes ng madaling araw.

Kinilala ng Bulacan Police ang mga nasawing suspek na sina Ian Apuyo, 34, binata, residente ng Brgy. Pagala, Baliwag habang patuloy na inaalam ang tunay na pangalan ng isa pang suspek na may alyas na ‘Boyong’ ng bayan ng San Rafael.

Sa ulat, unang napatay nang manlaban si Apuyo dakong ala-1:05 ng madaling araw sa mga aarestong pulis habang nakatakas naman ang kasapakat nito makaraang makatunog na pulis ang kanilang ka-deal sa operasyon sa Brgy. Pagala.

Matapos ang ilang minuto ay isa pang operasyon ang ikinasa ng San Rafael Police sa isang lugar sa Brgy. Sampaloc kung saan kasunod na napatay ang suspek na si alyas ‘Boyong’ matapos pumalag sa mga otoridad.

Narekober sa dalawang suspek ang isang kalibre .38 baril, isang kalibre .45, mga basyo ng bala, ilang sachet ng shabu, dalawang P500 marked money at isang motorsiklong Suzuki 125 (YN-1900).

Samantala siyam na katao ang naaresto ng pulisya sa iba’t ibang lugar sa mga bayan ng Balagtas, Bustos, San Miguel, Calumpit at Plaridel na nagresulta sa pagkakasamsam ng 22 sachet ng shabu at mga marked money.

DRUG WAR
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with