^

Probinsiya

Salpukan ng jeep at van: 10 patay, 6 sugatan

Rhoderick Beñez - Pilipino Star Ngayon
Salpukan ng jeep at van: 10 patay, 6 sugatan
Sa inisyal na ulat ng GenSan Police, sinabi ni P/Supt. Andrin Gonzales ng Police Regional Office 12 na dakong alas-3:45 ng hapon nang maganap ang aksidente sa nasabing barangay.

MANILA, Philippines — Sampung katao ang iniulat na nasawi kabilang ang isang 3-anyos na bata habang anim pa ang malubhang nasugatan matapos na magbanggaan ang isang pampasaherong jeepney at van sa national highway ng Brgy. Batomelong sa General Santos City kahapon ng hapon.

Sa inisyal na ulat ng GenSan Police, sinabi ni P/Supt. Andrin Gonzales ng Police Regional Office 12 na dakong alas-3:45 ng hapon nang maganap ang aksidente sa nasabing barangay.

Habang sinusulat ang ulat na ito, inaalam pa ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng mga nasawi at nasugatan sa banggaan. Kabilang sa nasa kritikal na kondisyon ang driver ng jeep na si Dexter Villarin.

Sa imbestigasyon ni PO3 Martonia, kapwa binabagtas ng jeep na may mga kargang pasahero at Hi Ace van ang national highway sa magkaibang direksyon kung saan ang jeep ay patungong Sta. Cruz, Davao del Sur upang sunduin ang mga dadalo sa kasal ngayong araw habang papuntang Malandag mula South Cotabato ang van.

Nang maka­rating sa bisinidad ng Brgy. Batomelong, nawalan ng kontrol ang van nang sumabog ang gulong nito sanhi upang makain nito ang lane ng jeep na nagresulta ng ma­tinding salpukan.

Dahil sa lakas ng banggaan, tatlong pasahero ang dead-on-the-spot habang nasawi sa pagamutan ang pitong iba pa.

Mabilis na dinala ang iba pang biktima sa pinakamalapit na ospital na patuloy na ni­lala­patan ng lunas.

vuukle comment

CRIME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with