^

Probinsiya

GenSan bomber utas sa encounter!

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
GenSan bomber utas sa encounter!
Kinilala ang sinasabing terorista na napatay na si Bassir Sahak, ng Brgy. Daliao, Maasim, Sarangani habang nakatakas ang ama nito na si Kupang Sahak.
File

MANILA, Philippines — Napaslang ang isang umano’y miyembro ng Islamic State of Iraq and Syria (ISIS) inspired group na Ansar al-Khilafa Philippines (AKP) na kabilang sa pangunahing suspek sa pambobomba sa General Santos City matapos makasagupa ang tropa ng pamahalaan sa Brgy. Tambler ng lungsod kahapon ng umaga.

Kinilala ang sinasabing terorista na napatay na si Bassir Sahak, ng Brgy. Daliao, Maasim, Sarangani habang nakatakas ang ama nito na si Kupang Sahak.

Sa ulat ni Police Regional Office (PRO) 12 Director P/Chief Supt. Eliseo Tam Rasco, da­kong alas-5:45 ng  umaga nang makasagupa ng pinagsanib na elemento ng pulisya at militar ang mga miyembro ng AKP terrorists  na nakabase sa Sarangani sa Brgy. Tambler ng lungsod.

Sinabi ni Rasco na papalapit pa lamang sa lugar ang arresting team nang salubungin sila ng mga putok mula sa AKP–ISIS inspired terrorists na nagresulta sa mainitang bakbakan. Narekober sa encounter site ang isang M16 rifle, bandolier na may magazine at mga bala, back packs, cellphones at sari-saring mga sangkap sa paggawa ng bomba.

Si Basser umano ang isa sa mga teroristang kinasuhan ng multiple frustrated murder sa pambobomba sa Bonita Lying Inn sa Purok Malipayon, Brgy. Apopong, General Santos City na ikinasugat ng walong indibiduwal noong Sept. 16.

vuukle comment

BOMBING

STATE OF IRAQ AND SYRIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with