^

Probinsiya

Manager ng Pampanga’s Best nilikida!

Rhoderick Beñez - Pilipino Star Ngayon
Manager ng Pampanga�s Best nilikida!
Kinilala ang biktima na si James Gallardo, 47-an­yos, sales manager ng tocino-maker Pampanga’s Best na pinagbabaril ng ‘di pa nakilalang suspek sa nasabing lugar, alas-2:15 ng hapon.
File

MANILA, Philippines — Patay ang isang regional sales manager ng processing food company na Pampanga’s Best matapos na pagbabarilin ng ‘di pa nakilalang gunman habang palabas ng kanyang sasakyan sa Tipaz, Barangay Magugpo East sa Tagum City, Davao del Norte, kamakalawa ng hapon.

Kinilala ang biktima na si James Gallardo, 47-an­yos, sales manager ng tocino-maker Pampanga’s Best na pinagbabaril ng ‘di pa nakilalang suspek sa nasabing lugar, alas-2:15 ng hapon.

Sa ulat kay Chief Insp. Milgrace Driz, tagapagsalita ng Southern Mindanao Police, niratrat ang biktima habang pababa ng kanyang sasakyan na Nissan Navara matapos na pumarada sa nasabing lugar. Nang matiyak na napuruhan ang biktima, tumakas ang salarin.

Isinugod ng mga kasapi ng city disaster risk reduction management council (CDRRMO) ang biktima sa Davao Regional Medical Center subalit idineklara ng mga doktor na dead-on-arrival.

vuukle comment

CRIME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with