Construction worker pinabulagta
LUCENA CITY , Philippines — Patay agad ang isang construction worker matapos na pagbabarilin ng hindi kilalang salarin habang natutulog sa loob ng kanyang bahay sa Purok Greenhills Phase 2, Parang, Brgy. Market View, sa lungsod, kamakalawa ng gabi. Kinilala ni P/Supt. Reydante Ariza, chief of police dito ang biktima na si Joseph Mendones, 31, na nagtamo ng mga tama ng bala ng kalibre 45 sa ulo at katawan.
Sa ulat, dakong alas-11:45 ng gabi habang mahimbing na natutulog ang biktima nang pasukin ng armadong suspek saka anim na beses na pinaputukan. Nang matiyak na patay na ang biktima ay kaswal na naglakad patakas ang suspek.
- Latest