^

Probinsiya

99-anyos lola inutas ng adik na apo

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
99-anyos lola inutas ng adik na apo
Agad na binawian ng buhay si lola Anicita Jumalon dahil sa matin­ding mga sugat sa ulo at katawan habang naaresto ilang oras matapos na tumakas ang kanyang apo na si Junito Juma­lon, 49-ayos.

MANILA, Philippines — Masaklap ang sinapit na kamatayan ng isang 99-anyos na matandang babae makaraang bugbugin hanggang sa mamatay ng barumbado nitong apo na hinihinalang bangag sa droga sa loob ng tahanan nito sa Brgy. Sta Cruz, La Libertad, Zamboanga del Norte kamakalawa ng gabi.

Agad na binawian ng buhay si lola Anicita Jumalon dahil sa matin­ding mga sugat sa ulo at katawan habang naaresto ilang oras matapos na tumakas ang kanyang apo na si Junito Juma­lon, 49-ayos.

Ayon kay Chief Ins­pector Helen Galvez, spokesperson ng Police Regional Office (PRO) 9, bandang alas-6:30 ng gabi habang nakahiga sa kama at nagpapa­hinga na sa kanyang silid ang lola nang dumating ang apo na hinihinalang lango sa droga. Dahil sa nilikha nitong mga kalampag matapos na halungkatin ang drawer, nasita ito ng nagising na  lola hanggang sa paga­litan. Dito na walang awang pinaggugulpi ng suspek ang walang kalaban-labang lola. Hindi pa nakuntento, binuhat pa nito ang mesa at inihambalos nang makailang ulit sa kanyang lola na duguang napalupasay sa lugar at saka tumakas lulan ng motorsiklo na isinama pa ang 4-anyos nitong anak na babae. 

Nadiskubre lamang ang bangkay ng matanda matapos na umuwi bandang alas-11 ng gabi ang anak nitong si Ricardo Jumalon na agad na nag-report sa pulisya.

Sa isinagawang ope­rasyon, nadakip ang suspek sa pinagtataguan nitong bahay sa kanilang barangay. Aminado naman ang suspek na nasa impluwensya siya ng alak pero hinala ng pulisya na lango siya sa droga nang isagawa nito ang karumal-dumal na pagpatay sa sariling lola.

vuukle comment

CRIME SCENE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with