^

Probinsiya

3 ‘tulak’ todas sa drug bust

Boy Cruz - Pilipino Star Ngayon
3 �tulak� todas sa drug bust
Nakilala lamang ang mga napatay na suspek sa mga alyas na Jay-Ar, Boy Negro na nasa drug watchlist ng bayang ito at Dennis, pawang mga nasa hustong gulang.
File Photo

BULACAN, Philippines — Tatlong lalaki na pawang sinasabing mga notoryus na tulak ng shabu ang magkakasunod na nasawi matapos ang drug bust operation ng pulisya noong Huwebes at Biyernes ng madaling araw sa San Jose Del Monte City.

Nakilala lamang ang mga napatay na suspek sa mga alyas na Jay-Ar, Boy Negro na nasa drug watchlist ng bayang ito at Dennis, pawang mga nasa hustong gulang.

Sa ulat ng San Jose Del Monte Police, dakong ala- 1:10 ng mada­ling araw nang makipagtransaksyon at bumili ng shabu ang poseur buyer na pulis kay alyas Jay-Ar sa isang lugar sa Towerville, Brgy. Gaya-Gaya. Dumating din sa lugar ang isang kasabwat nito at sa gitna ng transak­syon ay nakahalata uma­no ang suspek sanhi upang bumunot ng armas subalit naunahang paputukan ng pulis na ikinasawi nito habang nakatakbo ang kasama.

Kinabukasan, isina­gawa ng anti-drug ope­ration ng Drug Enforcement Unit laban kay alyas Boy Negro sa loob ng tinutuluyang bahay sa Towerville 6,Brgy.Gaya-Gaya at nagkaabutan na ng shabu at pera ay sinubukang arestuhin ng pulis ang suspek subalit tumakbo ito sa loob ng kanyang bahay at kinuha ang kanyang armas subalit naging maagap ang pulisya at naunahan siyang paputukan na kanyang ikinabulagta.

Nasawi rin si alyas Dennis sa loob ng bakanteng bahay sa Brgy. Sto. Cristo matapos na umano’y lumaban habang sinusubukang arestuhin ng mga operatiba. 

Narekober sa mga operasyon ang tatlong .38 revolver, mga basyo ng bala, 19 pakete ng shabu na nasa P212,000 ang halaga, mga drug paraphernalia at tatlong tig-P500 marked mo­ney.

vuukle comment

DRUG WAR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with