^

Probinsiya

3 Abu Sayyaf timbog sa engkuwentro

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
3 Abu Sayyaf timbog sa engkuwentro
Kinilala ni AFP Western Mindanao Command (AFP-Westmincom) Spokesman Lt. Col. Gerry Besana ang mga bandido na sina Gafur Albani Absari, Medzfar Mangabong at Madjid Mangabong.
Boy Santos/File

MANILA, Philippines — Umiskor ang mga sundalo nang masakote ang tatlong mi­yembro ng mga bandidong Abu Sayyaf Group (ASG) matapos ang engkuwentro nang makorner sa isinagawang opensiba ng tropang gobyerno sa Brgy. Maligay, Patikul, Sulu kamakalawa ng umaga.

 Kinilala ni AFP Western Mindanao Command (AFP-Westmincom) Spokesman Lt. Col. Gerry Besana ang mga bandido na sina Gafur Albani Absari, Medzfar Mangabong at Madjid Mangabong.

 Bandang alas–9:40 ng umaga nang masukol ng mga elemento ng 5th Scout Ranger Battalion ang tatlong miyembro ng ASG sa magubat na bahagi ng nasabing lugar.

 Nauna rito, nakasagupa ng tropa ng militar ang grupo ng mga bandido na tumagal ng ilang minuto at nakorner ang tatlo habang papatakas.

 Nabatid na nagsasagawa ng Focused Military Operations (FMO) ang mga sundalo upang masagip ang nalalabi pang mga hostages nang kanilang masabat ang ekstremistang grupo na nauwi sa bakbakan.

 Nasa kustodya na ng 501st Infantry Brigade ng Phl Army ang tatlong ASG member para sa tactical interrogation.

vuukle comment

ABU SAYYAF

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with