^

Probinsiya

Batang mag-utol naglaro ng apoy, patay sa sunog

Rhoderick Beñez - Pilipino Star Ngayon
Batang mag-utol naglaro ng apoy, patay sa sunog
Kinilala ang mga nasawi na sina Gabriel Tante, 4-taong gulang, at Janjan Tante, 2-anyos matapos nilang sinindihan ang banig, kumot at kulambo na siyang pinagmulan ng apoy na tumupok sa kanilang bahay, alas-11:30 ng tanghali.
File Photo

MANILA, Philippines — Nasawi ang magkapatid na batang lalaki  matapos na ma-trap sa nasusunog nilang bahay nang maglaro ng apoy habang wala ang kanilang mga magulang sa Sitio Da-o, Purok 2, Brgy. Camayahan, Butuan City kamakalawa.

Kinilala ang mga nasawi na sina Gabriel Tante, 4-taong gulang, at Janjan Tante, 2-anyos matapos nilang sinindihan ang banig, kumot at kulambo na siyang pinagmulan ng apoy na tumupok sa kanilang bahay, alas-11:30 ng tanghali.

Mabilis na rumesponde ang mga pamatay-sunog pero nakitang nalapnos na ang mga bata kung saan agad silang dinala sa pagamutan. Sa kabila ng matinding mga paso at sugat sa katawan, nakapagkuwento pa si Gabriel na siya ang nagsindi sa kanilang mga gamit sa pagtulog.

Namatay ang mga bata habang nilalapatan ng lunas sa ospital.

Napag-alamang naiwan ang magkapatid sa kanilang tahanan nang mag-igib ng tubig ang kanilang ama, habang nasa downtown naman ang kanilang ina upang mamili ng kanilang gamit kaya walang nakasaklolo agad sa mga bata.

vuukle comment

BUTUAN CITY FIRE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with